advertisements

Aking Mundo Lyrics
Julie Ann San Jose of Sugarpop

dagat man ay naiiba
sa lupa niyang mahiwaga
ang nais ko sana’y minsan pa
makita siya’t makasama pa

tahakin ang kanyang mundo
na hawak siya habang tumatakbo
sa puso ko ay nadarama
na sa piling niya bawat sandali’y malaya

paano kaya mabuhay
mundo niya kaya’y makulay
puso’y taglay ang matinding saya
sa tuwing makikita siya

dagat man ay naiiba
sa lupa niyang mahiwaga
ang nais ko sana’y minsan pa
makita siya’t makasama pa

tahakin ang kanyang mundo
na hawak siya habang tumatakbo
sa puso ko ay nadarama
na sa piling niya bawat sandali’y malaya

paano kaya mabuhay
kung sa iyo’y mawalay
ikaw ang daigdig ng aking puso
ikaw ang aking mundo

dagat man ay naiiba
sa lupa mong mahiwaga
ang nais ko sana’y minsan pa
makita ka’t makasama pa

tahakin ang iyong mundo
na hawak ka habang tumatakbo
sa puso ko ay nadarama
na sa piling mo bawat sandali’y malaya