Saan ba aabot ang iyong pangarap
Ano’ng naghihintay sa ‘yong bukas
Sa buhay mo kaya’y
May araw pa na sisikat

Upang tumanglaw sa iyong landas
Karamay mo ngayo’y luha at hirap
Mayro’ng ligaya bang magaganap
Pag-asa ay hindi tuluyan na magwawakas
Sasapit din ang tangi mong pangarap

Refrain:

Esperanza, kahit pa kay bigat
Ang pagsubok na nasa ‘yong balikat
‘Di maglalaon
Araw mo ay sisikat
Katotohanan ang magaganap
Esperanza

Kayakap mo ngayo’y luha at hirap
Mayro’ng ligaya bang magaganap
Pag-asa ay hindi tuluyan na magwawakas
Sasapit din ang tangi mong pangarap

Repeat Refrain:

Esperanza
Esperanza
Esperanza