OPM Song Lyrics
Huwag Na Sana Lyrics
By Arkasia

Huwag na sanang lumayo
Ang hiling ko lang sa ‘yo
Kung ika’y lilisan pa
Pag wala na’y paano ba?
Ang dalangin kong ito’y
Huwag mawalay sa iyo
Umaasang diringgin
Alang-alang sa atin

Chorus

Hahayaan mo pa bang kapwa tayo masaktan?
Sasayangin ba ang ating mga nasimulan?
Kung tuluyan ngang ito ang magiging dahilan
Tandaan ako’y para sa iyo lamang
Kung kailangan mang gawin
Ay mahirap tanggapin
Ang pag-ibig sa ati’y lagi mong iisipin

Ngayon nga’y wala ka na
Daigdig ko ay pumanglaw
Naglaho ang sikat ng araw
Ang pangarap kong lagi’y
Makasama kang muli
At sa bawat sandali’y
Mahagkan ka sa labi
Di na sana lumayo
Ang hiling ko lang sa ‘yo
Kung ika’y lilisan pa
Pag wala ka’y paano na?