OPM Song Lyrics
Di Mo Man Hanapin Lyrics
By Article Six

Kulang ang mga sandali na kapiling kita
Hindi matiis ang aking pag-iisa
Sa paglipas ng mga araw, aking nadarama
Sana’y may pag-asa akong makikita

II

Malalamig na hangin sa gabi aking nadarama
Iniisip pa rin kung sasabihin na minamahal kita
Sa paglipas ng mga araw aking nadarama
Pag-ibig mo sa akin kailan makikita

Chorus

(Di mo man hanapin) kusang lumalapit
(Di mo man isipin) ang aking damdamin
(Di mo ba makita) aking pagmamahal
Na para lang sa iyo

III

Lumilipas ang sandali na di mangarap
Ngunit sa gabi, ika’y hinahanap
Sa paglipas ng mga araw aking nadarama
Sana’y may pag-asa akong makikita
(Repeat Chorus except last word)
… iyo

Bridge

Pangarap mo sa akin, kailan makakamit
Pagsigaw ng damdamin sana’y mahalin
Ikaw lang ang laman ng isipan
Sana’y maramdaman

(Repeat I)
(Repeat Chorus)
(Di mo man hanapin) kusang lumalapit
(Di mo man isipin) sa aking damdamin
(Di mo man hanapin) oh woh oh
(Di mo man isipin) oh woh oh