Sa gitna ng dilim ako ay nakatanaw
Ng ilaw na kay panglaw, halos di ko makita
Tulungan mo ako, ituro ang daan
Sapagkat ako’y sabik sa aking pinagmulan
Bayan ko, nahan ka, ako ngayo’y nag-iisa
Nais kong magbalik sa iyo, bayan ko
Patawarin mo ako kung ako’y nagkamali
Sa landas na aking tinahak
Sa pagsibol ng araw hanggang dapit-hapon
Malamig na hangin ang aking kayakap
Huwag sanang hadlangan ang aking nilalandas
Sapagkat ako’y sabik sa aking sinilangan
Bayan ko, nahan ka, ako ngayo’y nag-iisa
Nais kong magbalik sa iyo, bayan ko
Patawarin mo ako kung ako’y nagkamali
Sa landas na aking tinahak
Patawarin mo ako kung ako’y nagkamali
Sa landas na aking tinahak
( Opm Band Song )
Ako’y isinilang sa isang bayan ng cotabato
Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo, nagkagulo.
Ang bayan ko sa cotabato, kasing gulo ng isip ko
Di alam kung saan nanggaling, di alam kung saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban, di ko alam ang dahilan ng gulo.
Bakit nagkaganon, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nagkagulo, bakit kayo nag-away
Prinsipyo mo’y igagalang ko kung ako’y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.
Sa bayan kong sinilangan, sa timog cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo.
Ako’y nananawagan, humihingi ng tulong n’yo
Kapayapaa’y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa’y kailan matatamo ng bayan ko?
Kung ako’y may maitutulong, tutulong nang buong puso
Gitara ko’y aking inaalay, kung magkagulo’y gamitin mo
Kung ang kalaba’y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan
Isipin mong siya’y may puso rin katulad mo.
Coda:
Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo…)
Sa timog cotabato (sa timog cotabato)
Ako ay namulat (kailan matatapos…)
Sa napakalaking gulo (ang gulo)
Dahil walang respeto (kailan magkakasundo…)
Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)
Kapwa pilipino (kapwa pilipino…)
Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)
Ang gulo
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
REFRAIN 2
Mayro’n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
AD LIB
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
REFRAIN 3
Bakit ‘di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan
REFRAIN 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no’ng ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
‘Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na
[Repeat REFRAIN 2]
Sa gitna ng dilim
Ako ay nakatanaw
Ng ilaw na kay panglaw
Halos ‘di ko makita
Tulungan mo ako
Ituro ang daan
Sapagkat ako’y sabik
Sa aking pinagmulan
CHORUS
Bayan ko, nahan ka
Ako ngayo’y nag-iisa
Nais kong magbalik
Sa iyo, bayan ko
Patawarin mo ako
Kung ako’y nagkamali
Sa landas na aking
Tinahak
Sa pagsibol ng araw
Hanggang dapit-hapon
Malamig na hangin
Ang aking kayakap
Huwag sanang hadlangan
Ang aking nilalandas
Sapagkat ako’y sabik
Sa aking sinilangan
[Repeat CHORUS]
AD LIB
[Repeat 2nd stanza of CHORUS]
Ikaw ba’y nalulungkot
Ikaw ba’y nag-iisa
Walang kaibigan
Walang kasama
Ikaw ba’y nalilito
Pag-iisip mo’y nagugulo
Sa buhay ng tao
Sa takbo ng buhay mo
Ikaw ba’y isang mayaman
O ika’y isang mahirap lang
Sino sa inyong dalawa
Ang mas nahihirapan
CHORUS
Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba’y walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay ‘yong makikita
Ikaw ba’y ang taong
Walang pakialam sa mundo
Ngunit ang katotohanan
Ikaw ma’y naguguluhan
Tayo ay naglalakbay
Habol natin ang buhay
Ngunit ang maging bata ba’y tulay
Tungo sa hanap nating buhay
Masdan mo ang mga bata
Ang aral sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin
Sa buhay na hindi naman sa atin
CHORUS 2
Itanong mo sa mga bata
Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan
[Repeat CHORUS 1]
CHORUS 1
Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako’y may dala-dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Ang lupang pinanggalingan ko’y may bahid ng dugo
May mga lorong ‘di makalipad na sa hawlang ginto
May mga punong walang dahon, mga pusong ‘di makakibo
Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Mula nang makita ko ang lupang ito
Nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao
Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago
Ngayon ang puso’y may takot sa lupang ipinangako
[Repeat CHORUS 1]
Dati-rati’y ang mga bukid ay gulay ginto
Dati-rati’y ang mga ibon ’sing laya ng tao
Dati-rati ay katahimikan ang musikang nagpapatulog
Sa mga batang walang muwang sa mundo
Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
Patakan n’yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
Dinggin n’yo ang mga sigaw ng mga puso
Ng taong una n’yong dadamhing kabilang sa inyo
CHORUS 2
Duul mga kaigsuunan nugpaminaw kamo
Duna ko’y dala nga mga balita gikan sa banwa ko
Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
Nga nagagahitabu sa banwagisa na ‘to