Opm Lyrics | Pinoy Song Lyrics | OPM Mp3 song Lyrics

Archive for the ‘Basil Valdez’ Category

Wednesday
May 2,2007

Minsan ang ’sang pangako’y maihahambing
sa isang kastilyong buhangin,
sakdal-rupok at huwag di masaling
guguho sa ihip ng hangin

Ang alon ng maling pagmamahal
ang s’yang kalaban n’yang mortal,
kapag dalampasiga’y nahagkan
ang kastilyo ay nabubuwal

[chorus]
Kayat bago nating bigkasin ang pagsintang sumpa
sa minumutya, sa diwa’t gawa,
pakaisipin naitn kung pag-ibig ay wagas
kahit pa magsanga ng landas

Minsan dalawang puso’y nagsumpaan
pag-ibig na walang hanggan,
sumpang kastilyong buhangin pala
pag-ibig na pansamantala.

[chorus]
Kayat bago nating bigkasin ang pagsintang sumpa
sa minumutya, sa diwa’t gawa,
pakaisipin naitn kung pag-ibig ay wagas
kahit pa magsanga ng landas

Minsan dalawang puso’y nagsumpaan
pag-ibig na walang hanggan,
sumpang kastilyong buhangin pala
pag-ibig na
pansamantala, luha ang dala
‘yan ang pag-ibig na nangyari sa atin,
gumuhong kastilyong buhangin.

Wednesday
May 2,2007

Paano bang mangarap ang isang bigo
Kung ang ligaya’y lalo pang lumalayo
Kailangan bang matulog nang sakdal-himbing
Tumatakas sa mundo at h’wag nang magising

Paano bang mangarap ang isang sawi
Kung ang luha’y kapiling bawat sandali
Sana’y naituro mo ang dapat kong gawin
Bago tuluyang lumayo sa akin

[Chorus 1]
Di ko alam na muli pang mag-isa
Mula nang makapiling ka
Dahil ako’y umaasa na lagi kang kasama
Laban sa mundo ay tayo lang dalawa

Paano bang mangarap na magbalik
At muling gigisingin pa ng ‘yong halik
Kahit man lang sa huling saglit ng buhay ko
Ang pangarap ba’y magkatotoo

[Chorus 1]
Di ko alam na muli pang mag-isa
Mula nang makapiling ka
Dahil ako’y umaasa na lagi kang kasama
Laban sa mundo ay tayo lang dalawa

[Chorus 2]
Paano ba ang mangarap kung bigo
At may sugat ang iyong puso
Di ba’t kailanga’y may kaagapay
Pagmamahal mo ay ang tangi kong buhay

[Chorus 2]
Paano ba ang mangarap kung bigo
At may sugat ang iyong puso
Di ba’t kailanga’y may kaagapay
Pagmamahal mo ay ang tangi kong buhay

Categories