OPM Pinoy Song Lyrics
Hindi ko na nasisilayan
ang sikat nang araw
Hindi ko na namamasdan pa
ang ganda nang buwan
Nasaan ba ang iyong pag-ibig
na dating sa akin lamang
Ibalik mo ang init nang suyuan
at pagmamahalan
Magbuhat nang lumamig
ang init nang ‘yong pag-ibig
Pagkat ikaw ang tanging
ligaya niyaring buhay
(refrain)
Pababayaan mo kayang
masayang nang lang
Mga gintong araw
natin na nagdaan
May halaga pa ba
sa akin ang pag-ibig
Kung puso at gabi’y
magsinglamig 2x
Nasaan ba ang ‘yong pag-ibig
na ikaw ‘di magbabago
Bakit nga ba hindi mo masabi
na mahal mo pa rin ako
Huwag kang mag-alinglangan
pag-ibig ko sa iyo’y maghihintay
Pagkat ikaw ang tanging
ligaya niyaring buhay
(repeat refrain 3x)
Pinoy OPM Song Lyrics
Isang ginintuang sandali
Na diyos lamang
Ang siyang nagsasabing
Dalawang puso magsasama
Sa hirap o ginhawa
Sumpang hindi magmamaliw
hangkan natin wala nang bibitiw
Ligayang walang hangganan
Pag-ibig natin ang s’yang puhunan
H’wag ng sukatin pa
Ang pagsuyong nadarama
Langit sa atin naghatid niton hiwaga ng pag-ibig
Narito’t damhin mo na
Ang pagsuyong minumutya
O kay ganda ng daigdig
Sa hiwaga ng pag-ibig