MADALING ARAW NA Lyrics
(OPM Song & Kyrics)
Madaling-araw na
Isip mo’y malalim-lalim
Kalagitnaan na
Ng liwanag at dilim
Bakit kailangan pang
Ika’y pumasok sa silid
Gayung yaong pinto’y
Matagal ng nakapinid
Sa iyong dibdib
Di mo makapa
Ang iyong nararamdaman
Hindi lungkot, hindi saya
Hindi bagot, hindi naman
Din balisa
Isipin mo na lang
Na lahat ng nilalang
Nahihimlay, nahihimbing
At nananaginip ng
Nag-iisa
Walang nagsusulat
Dahil walang nagbabasa
Walang bumabagsak
Dahil walang pumapasa
Sa bawat bagong
Iyong natutuklasan
Ika’y natututong
Kayrami-rami pa palang
Di mo alam
Di mo makapa..
Sa babaw ng mundo
Kung ibig mong magtampisaw
Maraming kasundo
At kasabay sa iyong galaw
Ngunit ang wika
Nagbabago’ng kahulugan
Sa dalas ng bigkas
Unti-unting nawawalang
Kabuluhan
BAHAY Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Isang araw ako’y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo’y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira
Sa init ng tabla’t karton sila doo’y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay
Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam
Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila’y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay
Maghapo’t magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka’y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay
Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n’yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay
KUNG AYAW MO NA SA AKIN Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Kung ayaw mo na sa akin
Wala akong magagawa
Hindi mo na kakailanganing
Magdadalawang salita
Kung ayaw mo na sa akin
Sabihin lang ang totoo
Para minsanan na lang ding
Luluha ang puso ko
Datirati pag ako’y nagkwento
Pumupungay ang iyong mga mata
Ngayo’y kahit original ang jokes ko
Hinding-hindi ka na natatawa
Di na tayo nanonood ng sine
O kaya’y magpusoy-dos man lang
Noo’y gustunggusto mo laging maglibre
Ngayo’y di mo na ako pinauutang
Kung ayaw mo na sa akin..
Di mo na ako kinakausap
Di mo na ako inaakbayan
Namimiss ko na ang iyong mga yakap
Di mo na ako hinahalikan
Di ka na sumisipot sa usapan
Parang di mo na ako mahal
Di mo man lang yata nabalitaang
Kalalabas ko lang sa ospital
Kung ayaw mo na sa akin..
Nakita kita kahapon
May kaholding-hands ka pa
Gaya rin natin noon
Nag-uumapaw ang saya
Tila napaibig ka na rin
Sa makisig mong kasama
Di mo na napapansing
Mas guwapo ako sinta
Ngunit, kung ayaw mo na sa akin..
Kung ayaw mo na sa akin
Masakit man ang totoo
Kung talagang ayaw mo na sa akin
Ayaw ko na rin sa iyo