Buhay nga ba’y sadyang ganyan
Ang hirap ay ‘di natin maiwasan
Kalungkutan ay lagi na lang
Kasiyahan ay minsan lang makamtan
REFRAIN
O, buhay
Kahit sa mga mayaman
Ay ‘di lubos ang kanilang kasiyahan
Sa buhay ng mahirap ay gayon din
Lalo pa’t kay dami mong mga utang
[Repeat REFRAIN]
AD LIB
Kaya ang dapat nating gawin
Maglibang-libang at ating limutin
Buhay ng tao’y sadyang ganyan
‘Di mo na dapat na pagtakahan
[Repeat REFRAIN twice]
Sadyang ganyan
madalas kitang makitang may kasama
magkahawak ang mga kamay
bumigat ang puso ko
laging nangangarap, na ako’ng kapiling mo
dapat nga kayang sa iyo ako’y humanga
kahit na ako’y mayroon nang iba
pigilan man ang puso ko
tuwid man ang tingin lumilingon ang isip ko
ang puso ko ay nanliligaw
ang puso ko ay naliligaw
bakit kay tagal nang hinihintay
at ngayon ka lang nakita
at di na ako manliligaw
at di na ako maliligaw
kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad
kung sakaling mang magulo itong damdamin
naghahabol sa iyong nagdaan
nauna nang pagsuyo niya’y lihis sa ‘yong landas
pagkat tayo ang tadhana
pag nilalaro mo ang aking isipan
halik at yakap mo ang nararamdaman
akala ko’y nabihag niya
ang puso kong itong sa ‘yo’y malayang nagpasya
ang puso ko ay nanliligaw
ang puso ko ay naliligaw
bakit kay tagal nang hinihintay
at ngayon ka lang nakita
at di na ako manliligaw
at di na ako maliligaw
kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad
di ko kayang masaktan ang damdamin
siya’y nagmamahal ng tunay sa akin
paano na ang aking pusong
ikaw lamang ang tanging buhay.
ang puso ko ay nanliligaw
ang puso ko ay naliligaw
sana nga’y maging ikaw at ako
at wala ng hahanapin
ang puso kong nanliligaw
ang puso kong naliligaw