Awitin Mula Sayo Lyrics – Kaligta
Opm Song

Ikaw ba'y nalulungkot
Ang mundo ba'y tila galit sayo
Maraming tanong bakit ganito bakit ganun
Wag mong isipin yan ang buhay ay sadyang ganyan
Tayo na lang ay tumayo at sumabay sa awit ko.
Sumabay sa awitttt kooo

Puso ba'y may poot
At ang isip ba 'y gulong gulo
Maraming bumulong
Gawin mo to at gawin mo yun
Wag mong isipin yan
Ang buhay ay hindi ganyan
Sana ako'y pakinggan mo
Dahil eto ay awit mo

Halika na at sumabay
Sa Hiwagang taglay ng awitin mula sayo
Sumayaw sa Linawag ng araw likha ng Diyos Para sayo
Kapatid Ako'y nandito para sabihin na
Sa tabi ng bukang liwayway
Ang umaga ay naghihintay

Sa Pagsubok na sayo'y dumarating
Wag kalimutan ang pag-asa na iyon ay pansinin
Basta isipin mo lang na may liwanag
Na sayoy Nakalaan

Halika na at sumabay
Sa Hiwagang taglay ng awitin mula sayo
Sumayaw sa Linawag ng araw likha ng Diyos Para sayo
Kapatid Ako'y nandito para sabihin na
Sa tabi ng bukang liwayway
Ang umaga ay naghihintay

Kapatid Ako'y nandito para sabihin na
Sa tabi ng bukang liwayway
Ang umaga ay naghihintay

Kapatid Ako'y nandito para sabihin na
Sa tabi ng bukang liwayway
Ang umaga ay naghihintay