“Lumayo ka man sa laklak” Lyrics
By Moymoy Palaboy
Nagsimula sa patikim-tikim
Pinilit kong gustuhin
Bisyo’y nagsimulang lumamim
Kaya ngayon ang hirap tanggalin
(Chorus)
Kabilin-bilinan na ng lola
‘wag nang uminom ng serbesa
Ito’y hindi inuming pambata
Mag softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako’y matanda na
Lola pahingi ng pantoma
Eh kasi laklak maghapon, magdamag
Kahit na hindi kumain
Basta’t may tomang nakahain
Ang sabi ng lasenggo sa amin
Hoy pare, shumat ka muna
(Repeat Chorus)
O naku hilong-hilo ako
O d’yos ko nasusuka ako
Kasi laklak maghapon, magdamag
Ayan na nga, Lakas tama ako
Pero ngayon ako’y matanda na
Lola pahingi ng pantoma
Laklak ka ng laklak, batak sa alak
Eh kasi laklak maghapon, magdamag
Lakas tama ako’y nawawala
(Tama na yan, inuman na)