OPM Song Lyrics
Panaginip Lyrics
By Wake Up Your Seatmate
Ika’y nakikita ngunit hindi mahawakan
Inakala nandiyan ka pero wala naman pala
Ilang taon na tayong naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kinakailangang lumipas
Chorus
Gusto nang maidlip para makapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika’y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo
Bakit palaging nahihirapan
Ang mga taong nagmamahalan
Naiipit sa gitna ng kaguluhan
Ilang taon na na tayong naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kinakailangang lumipas
(Repeat Chorus)
Mahal pa rin kita at parating mamahalin
Mayroon mang bago sa aking buhay
Ikaw pa rin ang iisipin
Ilang taon na na tayong naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kinakailangang lumipas
(Repeat Chorus)
Para kahit nahimbing tayo sa huli
Sa aking mga panaginip
Tayo’y magwawagi