advertisements


Gaano Kita Kamahal Lyrics
By Celeste Legaspi

Ikaw lamang ang aking iibigin
Magpakailan man
Ang pag-ibig ko sa ‘yo ay tunay
Nais ko sanang patunayan
‘Wag ka nang mag-alinlangan
Ang pag-ibig ko’y hindi kukupas
Tulad din ng umagang
May pag-asang sumisikat

Refrain:
Ang ating buhay, maikli, aking hirang
Kung kaya’t kailangan
Ng pagsuyong wagas kailanman

Ang sumpa ko sa iyo’y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin
Magpakailan man