Gary Granada : Bahay

BAHAY Lyrics
(OPM Song & Lyrics)

Isang araw ako’y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo’y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

Sa init ng tabla’t karton sila doo’y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila’y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay

Maghapo’t magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka’y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n’yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay

Related posts:

  1. Black Jack : Modelong Charing
  2. ...
  3. Gary Granada : Madaling-araw na
  4. ...
  5. Sunog Opm Song Lyrics By Rivermaya
  6. ...
  7. Price Tag Opm Lyrics By Agaw Agimat
  8. ...
  9. Betamax - Sandwich
  10. ...
  11. Robot Ka Ba? Opm Lyrics By Aizo
  12. ...
  13. Gary Granada : Kung ayaw mo na sa akin
  14. ...
  15. Ronnie Liang : Nag-iisang ikaw
  16. ...
  17. Mata Ng Dyos Opm Song Lyrics By Wolfgang
  18. ...
  19. Dahil Sa’yo Himig Ng Aking Gitara Opm Song Lyrics By Hale
  20. ...

Leave a Comment for Gary Granada : Bahay