Gary Granada : Kung ayaw mo na sa akin

KUNG AYAW MO NA SA AKIN Lyrics
(OPM Song & Lyrics)

Kung ayaw mo na sa akin
Wala akong magagawa
Hindi mo na kakailanganing
Magdadalawang salita
Kung ayaw mo na sa akin
Sabihin lang ang totoo
Para minsanan na lang ding
Luluha ang puso ko

Datirati pag ako’y nagkwento
Pumupungay ang iyong mga mata
Ngayo’y kahit original ang jokes ko
Hinding-hindi ka na natatawa
Di na tayo nanonood ng sine
O kaya’y magpusoy-dos man lang
Noo’y gustunggusto mo laging maglibre
Ngayo’y di mo na ako pinauutang

Kung ayaw mo na sa akin..

Di mo na ako kinakausap
Di mo na ako inaakbayan
Namimiss ko na ang iyong mga yakap
Di mo na ako hinahalikan
Di ka na sumisipot sa usapan
Parang di mo na ako mahal
Di mo man lang yata nabalitaang
Kalalabas ko lang sa ospital

Kung ayaw mo na sa akin..

Nakita kita kahapon
May kaholding-hands ka pa
Gaya rin natin noon
Nag-uumapaw ang saya
Tila napaibig ka na rin
Sa makisig mong kasama
Di mo na napapansing
Mas guwapo ako sinta

Ngunit, kung ayaw mo na sa akin..

Kung ayaw mo na sa akin
Masakit man ang totoo
Kung talagang ayaw mo na sa akin
Ayaw ko na rin sa iyo

Related posts:

  1. Ayaw Mo Na Lyrics By Agaw Agimat
  2. ...
  3. Ayaw Mo Na! Opm Song Lyrics By Agaw Agimat
  4. ...
  5. Gary Granada : Madaling-araw na
  6. ...
  7. Kung Ayaw mo na sa Akin Lyrics By Sugarfree
  8. ...
  9. Kung Ayaw Mo Sa Akin Opm Song Lyrics By Sugarfree
  10. ...
  11. Kung Ayaw Mo Wag Mo Opm Song Lyrics By Rivermaya
  12. ...
  13. Vina Morales : Gusto Kita(Feat. Gary V)
  14. ...
  15. Sitti : Para Sa Akin
  16. ...
  17. Craeons : Kasintahan Kong Pangit
  18. ...
  19. Moonstar 88 : Senti
  20. ...

1 Comment for Gary Granada : Kung ayaw mo na sa akin

  1. Lito Licerio said,

    August 29, 2008 @ 4:42 pm

    I am an avid Gary Granada fan. I composed my own songs & I like Gary did his lyrics, clear and mass base. I will be singing his funny lyrics as always.

RSS comments feed· TrackBack URI Gary Granada : Kung ayaw mo na sa akin

Leave a Comment for Gary Granada : Kung ayaw mo na sa akin