Gary Granada : Madaling-araw na
MADALING ARAW NA Lyrics
(OPM Song & Kyrics)
Madaling-araw na
Isip mo’y malalim-lalim
Kalagitnaan na
Ng liwanag at dilim
Bakit kailangan pang
Ika’y pumasok sa silid
Gayung yaong pinto’y
Matagal ng nakapinid
Sa iyong dibdib
Di mo makapa
Ang iyong nararamdaman
Hindi lungkot, hindi saya
Hindi bagot, hindi naman
Din balisa
Isipin mo na lang
Na lahat ng nilalang
Nahihimlay, nahihimbing
At nananaginip ng
Nag-iisa
Walang nagsusulat
Dahil walang nagbabasa
Walang bumabagsak
Dahil walang pumapasa
Sa bawat bagong
Iyong natutuklasan
Ika’y natututong
Kayrami-rami pa palang
Di mo alam
Di mo makapa..
Sa babaw ng mundo
Kung ibig mong magtampisaw
Maraming kasundo
At kasabay sa iyong galaw
Ngunit ang wika
Nagbabago’ng kahulugan
Sa dalas ng bigkas
Unti-unting nawawalang
Kabuluhan
Related posts:
- Kwentuhan Opm Song Lyrics By Sugarfree ...
- Gary Granada : Bahay ...
- Gary Granada : Kung ayaw mo na sa akin ...
- Madaling-araw By Sound - OPM Lyrics ...
- Maling Akala Lyrics By Eraserheads ...
- Maling Akala Opm Song Lyrics By Eraserheads ...
- Magnanakaw Opm Lyrics By Asin ...
- Alak,Sugal,Kape,Babae,Kabaong Opm Song Lyrics By Radioactive Sago Project ...
- Di Ako Bakla Lyrics By Michael V. ...
- Pag-Ibig by Brainwash - OPM Lyrics ...








