Hay Nako by Gladys and The Boxers

HAY NAKO Lyrics
(OPM Song & Lyrics)

Ang labo mong kausap
Bakit ka naman ganyan?
Lagi kang nangangako
Puso ko’y nasasaktan
Pag di ka pa nagbago
Babawiin ko na lang
Pagkat ayoko sa lahat
Ang maraming dahilan

Sorry, kase low batt ang cellphone ko
(Hay, lagi na lang)
Sorry, kase na-traffic lang ako
(As usual)
Sorry, kase ubos na ang load ko
(Eh, kabibigay ko lang nun ah)
Sorry ka na lang nang sorry
Mukha ka nang sorry

Hay nako, sinong niloko mo?
Masasakal mo pag ganyan ang boyfriend mo
Laging may dahilan pagka kailangan mo
Mabuti pang mag-break na lang tayo

Ang hirap mong kausap
Para kang nanloloko
Usapa’y Ratsky, Morato
At hindi dyan sa Cebu
Huwag ka nang humirit pa
Ng pang-flight ticket mo
Kung gusto mo’y sumabit ka
Na lamang sa barko
(Ayoko nga)

Sorry, kase nasira ang kotse ko
(Eh, ganyan din last week eh)
Sorry, kase birthday ng tatay ko
(Lagi na lang birthday ng papa mo)
Sorry, kase na nakalimutan ko
(Ulyanin ka na ba)
Sorry ka na lang nang sorry
Mukha ka nang sorry

Hay nako, sinong niloko mo?
Masasampal ko pag ganyan ang boyfriend ko
Laging may dahilan pagka kailangan mo
Mabuti pang mag-break na lang tayo

Guys, guys guys.
Baket ba K?
Yang mga lalaking yan, pare-parehong ugali nyan.
Anong ginawa?
Mahilig humingi ng load.
Eh, ikaw naman kase bigay ka nang bigay noh.
Aba’y syempre, ako nakakaluwag.
Ano bang ginawa mo?
Binigyan ko ng load. Tinext ko.
O, ano sabe?
Ang tagal sumagot eh.
O.
Pero in fairness sa huli sumagot.
Ano ngang sabe?
Diyos ko, sabe, “Hu u?”.
Ano ba yang mga lalaking yan?!

Sorry, kase may sakit ako
(Hay, hay, hay)
Sorry, kase inaantok pa ako
(Bahala ka na nga sa buhay mo)
Sorry, kase may overtime ako
(Wala ka namang trabaho eh)
Sorry ka na lang nang sorry
Mukha ka nang sorry

Hay nako, sinong niloko mo?
Masasapok mo pag ganyan ang boyfriend mo
Laging may dahilan pagka kailangan mo
Mabuti pang mag-break na lang tayo

Hay nako, sinong niloko mo?
Nakaka-highblood pag ganyan ang boyfriend ko
Laging may dahilan pagka kailangan mo
Mabuti pang mag-break na lang tayo
Bayaran mo na lang ang utang mo

Related posts:

  1. Dahilan Lyrics By Barbie Almalbis
  2. ...
  3. Baka Naman Opm Song Lyrics By Stonefree
  4. ...
  5. Bitin By Mayonnaise - OPM Lyrics
  6. ...
  7. Imposible Lyrics By Rocksteddy
  8. ...
  9. Fourteen Opm Song Lyrics By Silent Sanctuary
  10. ...
  11. Moonstar 88 : Di kasi
  12. ...
  13. Hey Jay Lyrics By Eraserheads
  14. ...
  15. SASAKYAN KITA Lyrics By Gladys And the Boxers With K
  16. ...
  17. Ulan Opm Song Lyrics By Aryana
  18. ...
  19. Ganyan Kita Kamahal Opm Lyrics By Zsa Zsa Padilla
  20. ...

Leave a Comment for Hay Nako by Gladys and The Boxers