Kabet By Gagong Rapper - Opm Lyrics

Kay sakit naman isipin na
Sa puso mo ako’y pangalawa
Sa tuwing makikita kitang kasama siya
Pinipikit ko ang aking mga mata

At sa gabing kasama mo siya
Halos hindi ako makahinga (ugh ugh)
Kayakap ko ang bote ng tequila
Nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa

Naghihintay hanggang sumapit ang umaga
Nang muli kang makasama

Ano ating lagay, hindi mapalagay
Ako’y nasasaktan ‘pag hawak mo kanyang kamay
Sa kanya ka sa tanghali, akin ka sa gabi
‘Pag dilat sa umaga, yo, wala ka na sa tabi

Merong kahati, gusto kita na mapasa’kin
Kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin
At lagi mong iisipin, kung hindi ka para sa ‘kin
Huwag mo lang kakalimutin na ika’y mahal pa rin

CHORUS
Sa puso ko’y nag-iisa
Kahit mayroong iba
Kahit hindi tama ang ginagawa, sinta
Basta ba’y makasama lang kita
Kahit kapiling mo pa siya

At huwag nang mangamba
Kahit sabihin na kalimutan ka
‘Di ko ‘to makakaya
Basta ba’y makasama lang kita
Kahit kapiling mo pa siya

It really hurts ang magmahal nang ganito
Kung sino pang pinili ko, hindi makuha nang buo
Hanggang gano’n na lang nga, kailangan ko ‘tong tanggapin
Na sa puso mo, mayro’n na ngang ibang umaangkin

At alam ko na rin na mayro’n nang nagmamay-ari
Sa pag-ibig sa iyo, ako itong nakikihati
At ano man ang mangyari, ‘di ko kayang manumpa
At kahit pa ilihim mo ako sa lahat

Gaano man kabigat sa puso ko itong aminin
Hindi dadaing, huwag ka lang mawalay sa ‘kin
Masakit man ang isipin na ako ang nanghiram
Kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam

At kahit hindi ‘to tama, ako ay sumugal
Kahit na nga alam kong mayro’n kang ibang mahal
Binigay ko ang lahat kahit gan’to ang natamo
Sa pag-ibig ng iba, ngayon ako’y nakikisalo

[Repeat CHORUS]

Sa sitwasyon nating na ‘to, ‘di ko alam kung sa’n tutungo
Alam ko mahirap at mali pero mahirap din isuko
Pa’no ko masusuot singsing sa ‘yo na dala
Kung sa paglalagyan nito, mayroon na palang nauna

No’ng nakilala mo ako, ‘di ko binalak manggulo
Gusto ko lang mapatunayan na ika’y mahal ko
‘Yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit
Kahit ang tawag lang sa akin ay ‘di hamak na kabit

Oo nga, ika’y sa akin at ako’y sa iyo
At ikaw din sa kanya at siya din ay sa iyo
‘Yan ay aking tinanggap para makasama ka lang
Pero sana huwag sabihin na “nakasama ka lang”

Pero sana rin, huwag tayong dumating pa diyan
Titisin ko ang lahat, kid, basta huwag lang ‘yan
Kahit na alam ko mahirap ‘tong tanggapin
Na mas nauna siya sa ‘yo kesa sa ‘kin, huh

[Repeat CHORUS]

Related posts:

  1. Gagong Rapper : Kabet(feat. kyla)
  2. ...
  3. Piolo Pascual : Kung ako ba siya
  4. ...
  5. Pakisabi Na Lang Lyrics By The Company
  6. ...
  7. Huwag Mo Nang Itanong Lyrics By Eraserheads
  8. ...
  9. Wala Nang Hahanapin Pa lyrics By True Faith
  10. ...
  11. Gagong Rapper : Sana andito ka
  12. ...
  13. Magpakailanman Lyrics By Gagong Rapper
  14. ...
  15. Gagong Rapper : Pasensya na
  16. ...
  17. Ikaw Lang Talaga By Yeng Constantino
  18. ...
  19. Gagong Rapper : Akala ko
  20. ...

8 Comments for Kabet By Gagong Rapper - Opm Lyrics

  1. dHiaNe said,

    June 21, 2007 @ 2:34 pm

    kamusta naman un.. fave na fave 2 ng mga kapatid ko… lol

  2. dAkiLanG_kAbEt said,

    July 9, 2007 @ 11:33 pm

    _wOoWz

    _uNg fAve qOh!!

    _dAndA mG sOnGz nAh tOh!!

    _eTo fAv nG bArkAda qOh eH!!

    _kAntA niA pArA xA ‘ex’ niA…

    _wAhAhah

    _aNg bUhAy fAraNg LyF!!

  3. shaira said,

    September 18, 2007 @ 2:39 pm

    its very nice song,lyrics,as in nakakainlove,naalala ko si jake though may iba na syang mahal kasi parang para sa akin yung song kasi parang ako yung kumakanta dun,and basta love song gusto ko

  4. diosah said,

    November 11, 2007 @ 6:06 pm

    i realy love this song
    hindi ako kabit bt i emphatically feel the way it used to be a mistress..
    it hurts..but it’s true..

  5. ruthie said,

    December 8, 2007 @ 7:29 pm

    _ weee !
    _ i riLy lOve diS soNg ..
    _ hNdi akOh mhiHiLig s mGa rap soNgs kXe anG badUy pero s lHat nG rap
    _ nah nriNig kOh iTo pNka dabEst !
    _ pTi uNg saNa ..
    _ gaLing tLga nG gagOng rapper ..
    _ gOw ! ^__^

  6. lovers_caThY said,

    February 6, 2008 @ 8:44 am

    ==wow ang ganda naman nyan==

    ==sana makakuha ako ng kopya nyan==

  7. ramona said,

    April 22, 2008 @ 6:41 pm

    galing po tlga ng gagong rapper sana po ung isa sa kanila ma mit ko go mcwn crush po kita hehehe hndi po complto ung day k kpag di k nari2ng ung song nyo

  8. ivyROSE said,

    October 9, 2008 @ 4:31 am

    nice song..!!
    nkakaTOUCH..

RSS comments feed· TrackBack URI Kabet By Gagong Rapper - Opm Lyrics

Leave a Comment for Kabet By Gagong Rapper - Opm Lyrics