OPM Song Lyrics
Kung Maibabalik Ko Lang Lyrics
By Jay-R Siaboc

Sayang ang mga sandaling pinalipas ko
Naro’n ka na, bakit pa humanap ng iba
Ngayon ikaw ang pinapangarap
Pinanghihinayangan ko ang lahat

Bakit ba ang pagsisisi laging nasa huli
Ang mga lumipas ay di na maaaring balikan
Sayang, bakit ako nag-alinlangan pa
Tuloy ngayo’y lumuluha at nanghihinayang

Chorus

Kung maibabalik ko lang
Ang dati mong pagmamahal
Pagkaiingatan ko at aalagaan
Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako’y laging nasa piling mo

Sayang, bakit ako nag-alinlangan pa
Tuloy ngayo’y lumuluha at nanghihinayang

(Repeat Chorus except last line)

Ang gusto ko ako’y laging na lang sa piling mo
Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako’y laging nasa piling mo