Limang Dipang Tao Lyrics By Barbie Cradle

Limang dipang taong nagtutulakan
sa abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan, patungo kung saan,
di ko malaman

Sa aking dyipning sinasakyan,
mayroong natanaw na mama
Sa dinami-rami ng nagdaraan, ikaw pa ang nakita,
ikaw pa ang nakita
May kasamang dalaga, [may kasamang dalaga]

Para, mama dito na lang, bababa na ako
Para, mama dito na lang, heto ang bayad ko
Para na sabi, para na sabi, para mama
Para na diyan sa tabi!

Limang dipang taong nagtutulakan,
ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
Tinatanaw ang pagakay mo
sa babaeng pinagseselosan ko

Sa pagmamadali nadapa ako,
sa bangketang kinatatayuan nyo
Lumapit ka’t tinulungan ako,
at kita’y tinitigan
mga mata’y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman?

Sorry, mama pasensiya ka na, akala ko’y asawa kita
Sorry, mama pasensiya ka na, sorry’t naabala ka pa
Sorry na sabi [2X], sorry mama, sorry’t napagkamalan ka

Limang dipang taong nagtutulakan
sa Abenidang aking kinatatayuan
nagaabang ng masasakyan
patungo kung saan, ‘di ko malaman

Limang dipang taong naguunahan
sa unting sasakyang nagdaraan
sayang ang dyipning kanina’y lulan
at ngayo’y nagsisisi, sa aking pagbubusisi

malaking pagkakamali

Para, mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan
Para, mama sasakay po, limang dipang taong nag-uunahan
Para na sabi [2X], para mama, para na diyan sa tabi.

Para na sabi, Para na sabi, Para [3X] na diyan [2x]
sa tabi

Para na sabi para na sabi para na diyan sa tabi!

Related posts:

  1. Sitti : Limang dipang tao
  2. ...
  3. Limang Dipang Tao Opm Song Lyrics By Babie Almabis
  4. ...
  5. Limang Dipang Tao Opm Lyrics By Lea Salonga
  6. ...
  7. Sa Na Mama Lyrics By Masculado
  8. ...
  9. Mamaw Lyrics By Michael V
  10. ...
  11. Ang Sabi Niya Sa Akin Lyrics By Introvoys
  12. ...
  13. Buloy Opm Song Lyrics By Parokya Ni Edgar
  14. ...
  15. Sayang Opm Song Lyrics By Stonefree
  16. ...
  17. Sayang Lyrics By Stonefree
  18. ...
  19. Moonstar 88 : Sabi mo
  20. ...

Leave a Comment for Limang Dipang Tao Lyrics By Barbie Cradle