Lipad Ng Pangarap by Dessa

LIPAD NG PANGARAP Lyrics
(OPM Song & Lyrics)

Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sayoy hapdi ng puso
aabutin na ang pangarap..

At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Pag-unlad nitong bayang nililiyag
Kapalit ng dalamhati’t paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag..

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi.

(Pabaon man sayoy hapdi ng puso
aabutin ang pangarap)

Tutularan ka ng sunod na salin-lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa’y nagpapasalamat

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi..

Ingatan mo ang lipad ang pangarap
Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
Kam’tin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay…

Ang tamis na dulot ng iyong…tagumpay
Ang tamis na dulot ng Iyong tagumpay…

Related posts:

  1. Dayo Theme Song : Lipad lyrics by Lea Salonga
  2. ...
  3. Naroon lyrics by yano
  4. ...
  5. Pangarap Ni Lira By Jennylyn Mercado
  6. ...
  7. SARANGGOLA NI PEPE By Celeste Legaspi
  8. ...
  9. Alab Ng Puso Opm Song Lyrics By Rivermaya
  10. ...
  11. Ang Lahat Ng Ito’y Para Sayo Opm Lyrics By Hajji Alejandro
  12. ...
  13. Bochog Opm Song Lyrics By Rivermaya
  14. ...
  15. Pangarap By Karel marquez - Opm Lyrics
  16. ...
  17. Panalangin Opm Lyrics By Apo Hiking Society
  18. ...
  19. Bituing Walang Ningning By Sarah Geronimo - Opm Lyrics
  20. ...

1 Comment for Lipad Ng Pangarap by Dessa

  1. fatima said,

    October 13, 2008 @ 11:42 am

    i love this song.

RSS comments feed· TrackBack URI Lipad Ng Pangarap by Dessa

Leave a Comment for Lipad Ng Pangarap by Dessa