Liwanag Lyrics
By Julianne

hiwaga ng bagong umaga
walang pag-asang dala-dala
di aninag kahit ano
hanap-hanap ko ang mukha mo

kahit sulyap lang o paramdam
sana ako ay pakinggan
alam kong ika’y nandiyan
naghihintay, nag-aabang

di bale na lang
kung hindi lang rin ikaw
ang gigising sa umaga
di bale na lang
kung hindi rin boses mo aking pakikinggan

bawat buntong hininga
bawat luha sa mga mata
dinig mo lahat ng sinasabi sayo
hawak ko lang pangako mo

na ni minsa’y hindi iniwan
lumayo lang aking tingin
di mo kailangang maunawaan
alam kong ito’y lilipas din

di bale na lang
kung hindi lang rin ikaw
ang gigising sa umaga
di bale na lang
kung hindi rin boses mo aking pakikinggan