advertisements

Paano Lyrics

By Dulce

Paano kung wala ka na

Paano ba ang mag-isa

Mula nang makasama ka

Kung paano’y limot ko na

Paano ang pag-ibig ko

Kung di rin lang laan sa ‘yo

Ang buhay ng ating mundo

Di ko alam kung paano

Chorus

Bago ka lumisan sana’y maturuan mo

Na iwasan ang bawat nakasanayan ko

At limutin na ang maghintay lagi sa ‘yo

Paano ba ito

O, kay daming bagay na hindi ko na alam

Tulad ng lumuha at sa ‘yo ay magdamdam

Dahil naniwalang labis mo akong mahal

Laman ng bawat mong dasal

Paano’ng aking gagawin

Kung di mo na ako pansin

Kung ito’y panaginip din

Paano ba ang magising

(Repeat Chorus)

Paano ba aking mahal

Paano ba mahal