Madaling-araw By Sound - OPM Lyrics
MADALING ARAW Lyrics
(OPM Song Lyrics)
Habang nakakumot pa
Ang bayang nahihimbing
At nakayakap pa sa unan
Sangkatauhang nakapikit
Soon sa lansangan inaabangan
Pasadang walang wakas
At pilit idilat matang mabigat
Sa pag-aalay ng sipag
At paghahabol sa liwanag
Iba’t-ibang klaseng tao
Isa-isang lumilitaw
Nagpapaikot ng mundo
Nagmamadaling-araw
Masama raw ang magpuyat
Buhat-buhat ang mundo sa balikat
Bago pa magsimula ang karera
Inuunahan na ang pagsapit ng umaga
Nagbubuhos ng aspalto
Bumabiyahe patungo sa palengke
Bagong-plantsang uniporme
Nagwawalis sa kanto
Inaakyat ang poste ng kuryente
Pinipihit ang liyabe
Nag-aalay ng sipag
Nag-iipon ng liwanag
Iba’t-ibang klaseng tao
Isa-isang lumilitaw
Nagpapaikot ng mundo
Nagmamadaling-araw
Masama raw ang magpuyat
Buhat-buhat ang mundo sa balikat
Bago pa magsimula ang karera
Inuunahan na ang pagsapit ng umaga
Buhay na sinasangla
Sa madilim na opisina
Alang-alang sa kinabukasan
Namumuhay nang baligtaran
Iba’t-ibang klaseng tao
Isa-isang lumilitaw
Nagpapaikot ng mundo
Nagmamadaling-araw
Related posts:
- Gary Granada : Madaling-araw na ...
- Maling Akala Lyrics By Eraserheads ...
- Maling Akala Opm Song Lyrics By Eraserheads ...
- Araw Mo Opm Song Lyrics By Nina ...
- Araw Mo By Nina ...
- Bagong Liwanag Opm Song Lyrics By Rivermaya ...
- Pasyal Lyrics By Sugarfree ...
- Buwan by Wickermoss : OPM Song Lyrics ...
- Piolo Pascual : Sa may bintana ...
- True Lyrics By Arnee Hidalgo ...








