OPM Song Lyrics
Magandang Gabi Lyrics
By Nonoy Zuñiga

Ito nang gabing hinihintay
Mga tagahanga ko’y nagdatingang lahat
Nananabik ‘kong marinig inyong palakpak
Mayroong kaba sa ‘king dibdib
Pinapawisan pa ng tila malagkit
Ito ang dinaranas ko sa t’wing palabas

Chorus

Magandang gabi sa inyong lahat
Ako’y nagagalak at kayo’y nagsidalo
Sa gabi ng palabas ko
Magandang gabi sa inyong lahat
Ako’y nagagalak at tayo’y nagkaniig
Kahit konting sandali

Sa harap ninyo ay walang lungkot
Suliranin ko’y bigla ring nalilimot
Ngiti ninyo’y mabisa ngang gamot
Sa indak nitong musikang inaalay
Nararamdaman ko pintig ng inyong buhay
Bumibilis, nag-iibang kulay
… sandali

Pag nagdilim na ang ilaw
Hinahanap pa rin kayo
Kung di dahil sa inyong lahat
Ako’y wala rito

Ito nga ang gabing hinihintay
Sana’y di magwakas sandaling nagniningning
Alay sa lahat ng dumating
Magandang gabi
Maraming salamat sa inyong lahat
Hanggang sa muling pagsasama