Minsan Ang Minahal Ay Ako By Celeste Legaspi

MINSAN ANG MINAHAL AY AKO Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
(Ryan Cayabyab/Jose Javier Reyes)

Ano na lang ‘yung ’sang sandali na makatikim ng pagmamahal
Matapos ang luhang ipinagpalit?
Ang sandali, ‘di naman magtagal, ang yakap mo’y hahanap-hanapin
Akala ko ang mundo na ay akin, ngunit hindi pala ganyan
Kay bilis makalimutan na minsan ang minahal ay ako

Ano na lang ‘yung kaunting pasakit kung katumbas ay pagmamahal?
Pag-ibig mo ay aking langit, kahit buhay ko ay handang isugal
Ang himig mo’y aking aawitin habang ako’y kakailanganin
At kung ako’y iyong saktan, ito ma’y gagawing dahilan
‘Pagkat minsan ang minahal ay ako

Ang lingap mo ay hahanap-hanapin sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan, kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan na minsan ang minahal ay ako

Ang lingap mo ay hahanap-hanapin sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan, kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan na minsan ang minahal ay ako

Related posts:

  1. Hinahanap-Hanap Kita Opm Song Lyrics By Rivermaya
  2. ...
  3. Regine Velasquez : Hinahanap hanap kita
  4. ...
  5. Di Mo Man Hanapin By Article Six
  6. ...
  7. Iisa Pa Lamang Song Lyrics By Jeli Mateo
  8. ...
  9. DAHIL SA IYO By Celeste Legaspi
  10. ...
  11. Gaano Ko Ikaw Kamahal By Celeste Legaspi
  12. ...
  13. Gagong Rapper : Akala ko
  14. ...
  15. Kung Ako Nalang Sana By Bituin Escalante
  16. ...
  17. Sapat Na Ang Minsan Lyrics By Jennilyn Mercado
  18. ...
  19. Sapat Na Ang Minsan Opm Song Lyrics By Jennylyn Mercado
  20. ...

Leave a Comment for Minsan Ang Minahal Ay Ako By Celeste Legaspi