NAPAKASAKIT KUYA EDDIE Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Ako’y naririto Nagbabanat ng buto.
Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabyano.
Anong hirap talaga ang kumita ng pera.
Kakapal ang ‘yong kamay Masusunog pa ang kulay.
Sa aking pagtulog Ang daming iniisip.
Bumilis na ang araw upang ako’y makabalik Itinigil ang bisyo.
Alak, sugal, sigarilyo Upang makaipon, magtitiis na lang ako…
Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay.
Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin…
At ako ay natuwa Sumulat ang aking anak.
Ako ay nabigla at agad ay lumuha Itay, umuwi ka, dalian mo lang sana.
Si inay ay may iba.
Nagtataksil sa ‘yo ama…
Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay.
Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin…
At ako ay umuwi, gabi na nang dumating.
Ang dal’wa naming anak.
Sa malayo nakatingin.
Mata’y namumula, halos nakapikit na.
Ang kanilang kamay may hawak na marijuana.
Ngunit ang masakit, ako’y nagtaka.
Dalawa naming anak, bakit ngayon ay tatlo na?
Mahal kong asawa.
May kasama na s’yang iba.
Ang lupit naman, dala pa ang aking pera…
Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay.
Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin..
Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay.
Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin…
3 Responses for "Napakasakit Kuya Eddie by Roel Cortez"
wla ako suggest sa song nice naka touch tlga real story dat song sana may madami pa na tumpak tlaga di2 lalo sa amin nag work di2 sa saudi..
ang ganda ng lyrics na’to,e ddcate ko’2 s mga asawa na inaahas at nang-aahas…ibinuwis ang buhay at tiniis na mangingibang bansa alang2x sa anak tapos ito ang naging ganti ng asawa!!!!!!!!!!!!!!!!!!YUCK!!!!!!!!!!KAKADIRI…………….KAPAL TALAGA NG MUKHA……..SANA MAINTINDIHAN ITO NG MGA ASAWANG NAGLUKO SA KANILANG MGA MR.
napaka walang hiya naman niyan!!!!!!
sana malaman nya na mali ang kanyang ginagawa
Leave a reply