Ngayon Opm Song Lyrics By Apple Chiu

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tam’at mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka’t magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago it ay maging kahapon (kahapon)
Ang pagkakataon sana’y huwag itapon (ooh)
Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika’y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay ngayon

Sa buhay mong hiram (sa buhay mo)
Mahigpit man ang kapit (kapit)
May bukas na sa yo’y di na rin sasapit (ooh)
Ngunit kung bawat ngayo’y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo’y langit na

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y ngayon (ahh)

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y ngayon (ahh)

Related posts:

  1. “I” Lyrics By 6 Cyclemind
  2. ...
  3. Walang Hanggan Lyrics By After Image
  4. ...
  5. Kung Mawawala Ka Opm Song Lyrics By Ogie Alcasid
  6. ...
  7. Bagong Araw Lyrics By After Image
  8. ...
  9. Lyrics of Paano By Dulce
  10. ...
  11. Wency Cornejo: Ngayon, bukas at kahapon
  12. ...
  13. Ikaw Lang By Drizzle
  14. ...
  15. Heartbreak Song By Kim Chiu
  16. ...
  17. Gagong Rapper : Noon, Ngayon At Bukas
  18. ...
  19. Usok Opm Lyrics By Asin
  20. ...

Leave a Comment for Ngayon Opm Song Lyrics By Apple Chiu