Sayang Ka Opm Lyrics By Asin

(Sayang ka, pare ko)
Kung ‘di mo ginagamit ang ‘yong talino
(Sayang ka, aking kaibigan)
Kung ‘di mo ginagamit ang ‘yong isipan

(Ang pag-aaral ay ‘di nga masama)
Ngunit ang lahat ng pinag-aralan mo’y matagal mo nang alam
(Ang buto ay kailangan diligin lamang)
Upang maging isang tunay na halaman

(Pare ko, sayang ka)
Kung ika’y musikerong walang magawang kanta
(Sayang ka, kung ikaw…)
Ay taong walang ginawa kundi ang gumaya

(Ang lahat ng bagay ay may kaalaman)
Sa lahat ng bagay sa kanyang kapaligiran
(Idilat mo ang ‘yong mata, ihakbang ang mga paa)
Hanapin ang landas ng patutunguhan

REFRAIN
‘Pagkat ang taong mulat ang mata
Lahat ng bagay, napapansin n’ya
Bawat kilos n’ya ay may dahilan
Bawat hakbang may patutunguhan
Kilos na, sayang ka

(Sayang ka, aking kaibigan)
Kung ‘di mo makita ang gamit ng kalikasan
(Ang araw at ulan)
Sila ay narito, iisa ang dahilan

(Sayang ka kung wala kang nakita sa ulan)
Kundi ang basa sa ‘yong katawan
(Sayang ka kung wala kang nakita sa araw)
Kundi ang sunog sa ‘yong balat

[Repeat REFRAIN]

Related posts:

  1. Ang Buhay Ko Opm Lyrics By Asin
  2. ...
  3. Sayang ang lahat Lyrics By Truefaith
  4. ...
  5. Mata Lyrics By Mojofly
  6. ...
  7. Sayang Opm Song Lyrics By Stonefree
  8. ...
  9. Sayang Lyrics By Stonefree
  10. ...
  11. ANG BUHAY KO Lyrics
  12. ...
  13. Pano Nangyari Yun Lyrics By Mayonnaise
  14. ...
  15. Tila Lyrics By Lani Misalucha
  16. ...
  17. Pabango Ng Yong Mata Opm Song Lyrics By Orange And Lemon
  18. ...
  19. Dahilan Lyrics By Barbie Almalbis
  20. ...

Leave a Comment for Sayang Ka Opm Lyrics By Asin