Utang Na Naman BY Datu’s Tribe

UTANG NA NAMAN Lyrics
(OPM Song Lyrics)

Mabuti pa si Hudas
Tatlumpung pirasong pilak lang ang tinanggap
Eh ikaw at ang mga apostoles mo
Pinagkanulo nyo na kami
Sa halagang humihigit na
Sa tatlumpung pirasong milyong dolyar

Utang, walang ginawa kundi umutang
Utang, uutang ng pambayad sa utang

Hindi mo na kami pinapakain
Nasa kalye na lang kami
Ayaw mo kaming papag-aralin
Kaya wala kaming nagagawa kundi ang

Magparami, magparami
Kami ay dumarami
Magparami, magparami
Kami ay dumarami

Hindi kami makapagpagamot
Kami tuloy napapakamot
Sa papales, kay dami nyong inaabot
Pero pagdating sa amin kakapiranggot

Kayo’y madamot, napakadamot
Ang damot-damot nyo
Napakadamot, napakadamot
Ang damot-damot nyo

Isang gabi, ako’y nanaginip
Wala na raw tayong problema
Wala na raw tayong kailangang bayaran
Dahil tayo’y pinaghatian na

Ng intsik, ng arabo
Mga hapon at mga amerikano
Ang pamana ng lupang dinilig ng dugo
Inangkin na ng kung sino-sino

Napakabaho, napakabaho
Ang baho-baho nyo
Mababaho, mababaho
Ang baho-baho nyo

Kailan nyo ba madidinig
Dugo na’ng ipinambabayad ko

Uutang na naman

Related posts:

  1. Sarsa Platoon By Datu’s Tribe
  2. ...
  3. Awit Ng Kabataan Opm Song Lyrics By Rivermaya
  4. ...
  5. Ok Ako By Gloc 9
  6. ...
  7. Nakakalitong Mga Tao By Datu’s Tribe
  8. ...
  9. Sakto Opm Lyrics By Janelle Jamer
  10. ...
  11. Wala Na Opm Song Lyrics (Juicy Fruit Jingle) By Cueshe
  12. ...
  13. San Man Patungo Opm Song Lyrics By Parokya Ni Edgar
  14. ...
  15. Wala Na ( Juicy Fruit Jingle) Lyrics By Cueshe
  16. ...
  17. Praning By Datu’s Tribe
  18. ...
  19. Kwento Ni Del By Datu’s Tribe
  20. ...

Leave a Comment for Utang Na Naman BY Datu’s Tribe